Nasasalamin ang Kalungkutan
Mahal ko ang aking mga anak.
Pag-ibig ko,y walang hanggan.
Mga biyaya sa aki' y pinagkaloob.
Yaman ko' y hanggang langit iyong maaabot.
Matay ko mang pagmasdan
Kung gaano ako kamahal.
Hindi mapapantayan ang yaman sa lupa at karagatan.
Ibinigay ng lahat…Ngunit ako' y nasasaktan.
Sapagkat aking mga anak sa kanila' y parang walang kabuluhan.
Puso ko,y nagdurugo…Labis ang kadustaan.
Natatakot…Nangangamba… pagdarahop..
Anu’t nagkaganito?...Natutuyo?..nananamlay?
Pawang nararamdaman ay sadyang kalungkutan.
Mahal kong mga anak.
Dapat ako' y pagyamanin
At huwag ipagwalang bahala
Ang nangyayaring ito sa akin.
Lingapin nyo ako…At ako ay mahalin.
Pagkat mga ninuno n’yo ang nag aruga sa akin.
Lumipas man ang panahon
Ako’y inyong lisanin
At mauunawaan mo ako ay kasawili
Pagkat darating ang araw na ika’y kukutyain
Dahil sa kakaiba mong kulay, anyo at adhikain.
Maging sa pananaw may pagkakaiba man din…
Ako’y iyong maaalala…pagkat pagsibol mo ako ang kasama.
Sa akin ka nanahan..Kailangan bang ako’y iyong kalimutan?
Dito ka nagkaisip…namulat hanggang sa paglaki.
Bakit di mo maunawan ako’y iyong kakampi ?
Hanggang sa huli, pagtanggap ko sayo’y bukas palad…
pagkat ika’y aking anak.
Masakit ang aking dinaranas…
tila pagkalimut mo sa aki’y igagawad.
Marubdob kong dinadala..ang paghamak mo at pagtalikod.
Labis labis ang sakit..tila hanggang buto'y aabot.
Luha..Luha’y dumadaloy…sugat sa aki’y tumitimo,
hapdi,kirot ....tumatasak sa aking puso.
Kailan pahahalagahan ang yaman na biyaya?
At di pagiisipan na abusuhin ng balana.
Sana' y hindi pa huli at ako' y lilingapin.
Kalikasan ko'y magbibigay ng sigla't dangal sa akin.
Alam kong di pa huli, at inyong mapagtatagumpayan
Basta't magka-isa at wag ng ipagpaliban.
Dahil kung ako'y pangangalagaan.....
Ganda ko'y pakikinabangan..hindi lamang ngayon,bukas...
at sa darating pang mga araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment