Friday, August 15, 2008

KIROT SA DAMDAMIN

KIROT SA DAMDAMIN

Tunay nga at di maintindihan
Itong damdamin na minsa'y napapagal
Ano nga ba talaga ang dapat na maintindihan
Upang ang damdamin kong ito'y
Wag ng masaktan.

Kahit anung pigil ko pa
At sila'y iwasan na
Patuloy pa rin nasasaktan ang damdamin.

Lalu pa nga't kadalasa'y
Ayaw ko na silang makita
Iwaksi na sa puso
Kung anu mang sugat ang dinulot
Na nagbibigay hapdi
Sa damdamin na nakakipi
Ngunit nandyan pa rin
Sugat na idinulot
Kirot sa aking dibdib
Parang hindi naghihilom
Pag iwas ba ang sagot o pagtalikod?
Lumimot man ngayon
Walang maidudulot.

Kaya patuloy na lang
Na nananalangin sa Diyos
na may lalang na maghilom na
ang sakit na naidulot sa aking damdamin.

Kung hindi pa man ngayon
Maaring sa darating na panahon.
Kailangan lamang patatagin
kung anu man ang naidulot
HAPDI,SAKIT,KIROT...
Sa aking damdamin.

Ako'y nananalig
NA ito'y lilipas din
At makakayanan ko
Itong harapin.

Sa tulong ng maykapal
na lumikha sa akin.
NGAYON Isisigaw !
BUKAS Ihihiyaw!
SALAMAT at NATAPOS din..
ANG KIROT SA DAMDAMIN.

No comments: