Friday, August 15, 2008

HINDI KO AKALAIN

HINDI KO AKALAIN



Hindi ko akalain.
Sa buhay ng tao…..

May pagkakataon na mauunawaan mo.
Ang tunay na kulay at hiwaga ng buhay.

Tunay nga .. ako’y mangha!
Pagka’t aking nakilala.
Isang kaibigan na kamangha mangha.

Sa paglipas ng mga araw,buwan at taon.
Pagkakilala ko sa kanya’y mababaw ang aking tugon.
Hindi ko akalain.. Na kung bibigyan ng panahon.
Siya’y iyong kagigiliwan pagkat sa tuwing siya’y kausap mo..ibang iba sa nuon.

Sa unang tingin mo,oo ‘t mababaw na pagkakilala.
Hindi mo nanaisin na oras mo’y maaksaya.
Pero hindi pala dapat husgahan sa maikling panahon
nasa tingin mo’y di mo siya maunawaan.
tunay na Kaibigan pala’y iyong matatagpuan.

Ako’y nagilala..at hindi makapaniwala!
Sa muling pag uusap..siya’y tunay na kamangha-mangha.
Anu nga bang nagyari?..
Aking napagtanto..kamalian ko’y nais iwasto.

Pagkakaibiga’y yayabong…at patuloy na lalayog.
Kung bibigyan ng pagkakataon na ang bawat isa
Ay makilala ng lubos..Bigla kang magugulat…
Tuna’y na kaibigan na matagal munang hinahanap.

Kahit di mo siya nakikita o nakakasama
Basta’t kaisa kayo sa isipan at paniniwala..
Lagi mong kaagapay sa puso at diwa.

Iyong mapaglilimilimiin..na may katuwang ka
Sa twina nakaagapay at kasa-kasama.
Hindi kinakailangan siya’y kadaupan..
Pag siya’y kailangan agad matatagpuan.

Malayo pa ang aming lalakbayain,
Patuloy pa pagkakakilala’y palalalimin.



Mga araw ay lilipas, mga puno ay yayabong.
Marami pang mangyayari sa darating na panahon.
Tatatag, titibay, lahat mapagtatagumpayan…
Basta’t kayo ay laging magkaagapay.


At ito ang aking pangako sa aking kaibigan.
Dumating man ang oras at ako’y lumisan.
pagkakaibigan nami’y babaunin ko
Hangggang kamatayan.

No comments: